Words of Wisdom from Bob Ong

Bob Ong or Roberto Ong is the pseudonym of a Filipino contemporary author known for using conversational Filipino to create humorous and reflective depictions of life as a Filipino.

1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya..”

2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

4. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

6. “Kung maghihintay ka ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”

7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

12. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”

13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”

15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang
intindihin ay kasinungalingan”

18. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

19. “Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”

20. “Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

21. “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”

67 thoughts on “Words of Wisdom from Bob Ong

  1. ` ibah tlga. .

    `it makes me realize and reminisce about the wrong things i’ve done in my life. .

    `well. . ,asakit pero. . totoo nmn eh. .

  2. grbe..so inspiring ung mga msg ni bob ong…though it rily hurts, it gives lesson…so learn from ur mistakes…

  3. kung sino kaman bob ong, isa lang masasabi ko..isa kang totoong tao..na kayang tumanggap ng pagkakamali….. at marunong bumangon para ipakita sa lahat na d sa pagkadapa natatapos ang lahat! more power!

  4. sobr ko pong iniidolo si mr. Robert Ong dahil sa kanya nabuksn ang mumunti kong isipan…. God Bless!!

  5. ang babae ay minamahal at nirerespeto, di yan ipod na gagamitin mo lang kung kailan mo gusto o psp para malibang ka lang o beer na habang magdamag nanilaklak mo yan… di yan isang gadget para paglaruan mo lang kung kailan mo gusto…

  6. pano kung yung babae naman ang gumagawa sa lalake bilang gadget?….sir bob more words of wisdom pa..ung di lng para sa babae..sana ung sa gobyerno nman o sa kahit n sino..prang mga kanta ng asin at ni dong abay…my kasunod na ba si mcarthur?

  7. grave,,,ang ganda lhat ng libro moh bob ong,,,sav ng mamy baka daw mag kacng age kau,,,at mag ka school mate,,,kac dun sa una mong libro na abnkkbsnpl ako lhat daw un nang yari sa kanya at na experience nya,,,,sobrang lawak ng icp nyo poh,,,ang galing talga,,

    pag big boy na anak q ipapabasa q din lhat ng buk moh,,,,

    sayang ung abnkkbsnpl ako na libro q,,binagyo,,,nabasa xa nung undoy,,,nacra na,,sayang talga,,,un pa nman fav. q,,,,

  8. Bob ong ang dami kong natutunan sa mga qoutes mo…tnx ha kasi kakaiba ang mga naiisip mo at makatotohanan pa.

  9. I heart BoB oNG…^^ .. isa rin ako sa mga reader’s ng libro nya,, ^^ try nio yong BAKIT BALIKTAD MAG BASA NG LIBRO ANG MGA PILIPINO?,, hahaha nice one!

  10. your the best bob ong….bullseye aq sa 19 & 11……pinangiti nia nga ako, iba nmn nagpapangiti sa kanya….ohh my….nki pagbreak ako sa gf bcoz of her, but when i broke up w/ my gf,,, huli n pala ako….may nagmamay ari n pala…sakit!!!!

  11. the best tLga…ikaw n tLga Bob Ong…san muh b hinuhugot yang mga “saLitaan” muh…aNg Bang!s :))

  12. I’m now not positive where you’re getting your info, however good topic. I must spend a while finding out more or working out more. Thank you for great info I was in search of this information for my mission.

  13. galing! sana maisama mo rin ito dahil marami na sa kababayan natin na nakakalimut sa tinatayuan nila. 1.) Pag may kailangan ka sa iba makiusap ka at wag mag utos. 2.) kung hindi rin naman maganda ang turing mo sa iba wag mo siyang pakinabangan o kunan ng pakinabang.

  14. bago mo intindihin ang mahal mo intindihin mo muna ang pag ibig sayo ng Diyos sayo dahil siya lang ang nag mamahal sayo ng tunay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s